Thursday, April 8, 2010

ang panandaliang pamamaalam...

(march 27,'08)
ang panandaliang pamamaalam....

minsan sa buhay ko may dumating na anghel...
dumating sya nung akala ko ay bibitiw nko sa paniniwalang may pagasa pa...
minsan na akong nawalan ng rason na ngumiti...
minsan ng tumulo ang luha ng walang humpay...

minsan na ring nawalan ng gana sa buhay...
akala ko noon ndi ko na masisilayan ang ligaya...
ngunit nagkamali ako dahil nagkaroon ako ng pag asa...
ng dumating ka anghel ng buhay ko...

salamat sa mga ngiti na naiabot mo sa akin...
salamat sa muling pagbalik mo ng pagasa sa aking buhay...
salamat sa mga salitang nakatulong ng tunay...
salamat sa iyo anghel ng buhay ko...

ngunit ngayon ako'y magpapaalam na...
sapagkat ayaw kong ikaw naman ang luluha...
nais ko sana mayakap ka muna...
pero sadyang ndi pinahihintulot ni tadhana...

mabigat sa aking loob ang gagawin kong ito...
pero sana maisip mong para syo ito oh anghel ng buhay ko...
sana wag akong kalimutan sa mga darating na bukas...
sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginawa...

salamat oh anghel ng buhay ko sa mga aral na natutunan ko...
salamat sa muling pagbabalik mo ng tiwala ko...
salamat oh anghel ng buhay ko...

No comments:

Post a Comment